Monday, October 3, 2011

PRACTICING EXCELLENCE IN WORSHIP

"Mga Payo sa Worship, Music at Arts Teams ni Kuya Henry"
Facebook Note Series!

by Ptr. Henry Santos on Wednesday, September 21, 2011 at 10:30am

1".Kung masipag ka sa church music ministry, dapat masipag ka din sa bahay mag-linis, mag-hugas ng plato at mag-laba ng damit mo. etc....ang mga musicians all around dapat!...Huwag kang namimili ng lugar." Sept.20.2011

2.Kung ikaw ay member ng Arts ministry,bawal ang maarte.just serve with joy and gladness!

3. Kung ikaw ay member ng Band ministry; dapat kung gaano ka -galing sa pag-awt at pag-tugtug sa chords, mas magaling ka dapat sa bible study at prayer!

4.Kung ikaw ay member ng Dance Ministry,huwag kang performer sa tao, dapat be a perfumer for God!

5.Kung ikaw ay Worship Leader, huwag kang manggaya ng iba, just be yourself.Nag-iisa ka lang wala kang katulad!...ang hinahanap ni Lord ay ikaw, hindi ang ginagaya mo.

6.Kung ikaw ay instrumentalists, alalay lang ang volume para marinig ang mga vocalists;blend ka and support the singers, huwag ma-excite masyado!

7.Kung ikaw ay back-up singers, huwag masyado malakas ang volume at 
sumabay palagi sa worship leader sa tempo at bigkas ng mga lyrics;huwag mas OA pa sa mga movements.

8.Kung ikaw ay member ng Choir,sumunod palagi guidelines ng koro.Huwag kang pa-importante,dahil ikaw ay importante sa ministry!

9.Kung ikaw ay sound man ng church, request ka na mag-workshop muna  ng sound engineering, para maayos ang pagtimpla mo sa lahat ng band instruments, mga mics.mixer at iba pa.Para di masakit sa tenga ang mga mixing mo,kasi may art and science po yan mga kapatid.pls lang po ,huwag mong gawin "karaoke style" ang sounds mo.

10.Kung ikaw ay member ng Worship Team, itanim mo sa isip mo na privilege and honor ang mag-serve kay Lord; it's only by His grace and mercy kaya tayo nasa ministry; kaya bawal ang mayabang.Palaging mag-pakumbaba sa Kanya.

11.Kung ikaw ay instrumentalist, talasan ang tenga; control mo volume mo always---huwag mo overpower ang mga singers.

12.Kung ikaw ay gitarista or pianista na nagbibigay ng "musical scoring" habang nag-sasalita si Pastor or ang Emcee, alalay ka lang-always listen sa instrument mo dahil di na mapakinggan ang sinasabi dahil malakas ang instrument mo.

Sumamba at maglingkod lang sa Dios!

Nagmamahal,
Kuya Henry

WYCLIIFEE PHILIPPINES---REACHING the UNREACHED and BIBLE-LESS GROUPS!

 

 

No comments:

Post a Comment